Diether Ocampo kinarir ang pagiging Coast Guard commander: Wala pang balak bumalik sa showbiz

MUKHANG wala pa talagang balak bumalik sa mundo ng showbiz ang hunk actor na si Diether Ocampo.

Huling nakita si Diet nang dumalo ito sa ginanap na 2019 ABS-CBN Ball na ikinatuwa ng kanyang mga dating kasamahan sa Kapamilya Network.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, ibinalita ni Diether na aktibo siya ngayon bilang isang Philippine Coast Guard Auxiliary Commander.

“It’s a personal decision, it’s something that a lot of people especially mga young Filipinos should be aware that we have a lot of responsibilities to protect and to serve our country, and make sure yung ating coastal area are well protected,” pahayag ng aktor na kasabayan nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Dagdag pa niya, “I think it’s something that a lot of people, especially young Filipinos, should be aware of – that part of our responsibilities is to protect and serve our country, and make sure ‘yung ating environment and especially sa coastal area ay well-protected.”

Payo ni Diet sa lahat ng mga artistang gusto ring maging bahagi ng Philippine Coast Guard, kailangang pag-isipang mabuti ng mga ito bago sila magdesisyon dahil hindi rin biro ang kanilang responsibilidad.

“I won’t encourage anyone, like I said, it’s a personal decision it should come from their own freewill, hindi ko pwede pangunahan ang kanilang mga plano but then again, I’m looking forward to meet new colleagues probably to join eventually,” lahad pa ng Diet na ilang taon na ring hindi napapanood sa telebisyon at pelikula.

Walang ibinalita ang binata kung kailan siya babalik sa pag-arte dahil mas nakatutok siya ngayon sa kanyang mga tungkulin bilang coast guard auxiliary commander.

Read more...