Jolina napaiyak, hirap na hirap bilang ‘single parent’ sa 2 anak

JOLINA MAGDANGAL AT TUESDAY VARGAS

NAIYAK si Jolina Magdangal pagkatapos maka-relate sa mga pinagdaraanan ng kanilang guests sa Magandang Buhay last Tuesday.

Tungkol sa single-parenting ang topic sa morning show nila nina Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Ang special guests nina Jolina ay sina Crystalle Henares-Pitt, Jinky Vidal, Sitti Navarro at Candy Pangilinan.

Naging emosyonal si Jolina dahil may “pinagdaraanan” pala siya sa kanyang mister na si Mark Escueta at dalawang nilang anak na sina Pele and Vika.

Nasa Amerika raw kasi si Mark for almost a month now. Pero ‘di naman ibig sabihin ay hiniwalayan na or inabandona na si Jolens ng asawa.

Dahil nasa US nga si Mark, naiwan kay Jolina ang dalawa nilang anak. Naluha si Jolina dahil mas lalo raw niyang ina-aapreciate si Mark ngayong wala ito dahil siya na lang ang nag-aasikado sa mga bata.

At du’n niya naranasan kung gaano pala kahirap ang mag-alaga ng mga bata lalo pa’t sobrang hyper daw ng kanyang mga anak. Dahil dito, mas tumaas pa raw ang respeto at paghanga niya sa mga single parent.

***

Significant ang pagkakapanalo ng komedyanteng si Tuesday Vargas ng Best Supporting Actress sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa may pagka-true-to-life na character niya sa “LSS (Last Song Syndrome)” bilang ina ng bida sa movie na si Khalil Ramos.

“Iba po kasi ‘yung challenge nu’ng dramatic scenes namin ni Khalil kasi may true-to-life hugot kasi, single-mom, tapos abandonada. So, maraming pinanggalingan lahat ng binuhos kong luha doon sa eksena.

Kaya siguro naramdaman din nu’ng mga manonood,” say ni Tuesday.

Nakausap namin si Tuesday after ng PPP3 awards night sa One Esplanade sa Pasay City last Sunday. Bukod kay Tuesday, nanalo rin ang “LSS” bilang Best Sound Design at Best Theme Song na gawa at inawit ng Ben&Ben.

Anyway, na-curious kami sa sinabi ni Tuesday na “abondana.” In real life, single parent kasi si Tuesday.

Hindi lang kami sure kung sila pa rin ng mister niya at gitarista ng Session Road na si Coy Placido.

Huling nabalitang magkasama sina Tuesday at Coy ay sa isang music festival sa Japan nu’ng July, 2018. Pero nagsimulang umugong ang tsismis na hiwalay na sila January this year. Ikinasal sila sa Discovery Shores sa Boracay nu’ng June, 2010. Before that, anim na taon na silang magkarelasyon.

Noon pa man ay sumusubok na raw sila na magka-baby. Hindi namin sure kung nasundan ang panganay ni Tuesday na si Laya from a previous relationship. Laya is already 19 years old now.

Samantala, kudos sa buong team ng Film Development Council of the Philippines na siyang bumuo ng PPP3. After three years, na-perfect na nila ang tamang timpla para sa pinakatamang panlasa sa pag-organisa ng awards night.

From the concept na Filipiniana, super talented Pinoy artists na nag-perform, hanggang sa pagkain na umaapaw at delicacies from the different regions ng Pilipinas, mapa-proud ka talaga bilang Pinoy.

Natuwa din ang members of the entertainment press and bloggers for the best seats na inilaan sa kanila. Mala-Golden Globe din ang kinalalagyan ng tables para sa stars and production para sa 10 official entries sa PPP3.

Indeed, ang ginanap na 2019 PPP awards night ang pinakamaganda, pinakamaayos, pinaka-may katuturang local awards night na nasaksihan namin.

Congrats, FDCP!

Read more...