Adorna: Kampanya ng PH triathletes sa SEA Games magiging matagumpay | Bandera

Adorna: Kampanya ng PH triathletes sa SEA Games magiging matagumpay

- September 19, 2019 - 07:26 PM

SINAGOT ni 2015 SEA Games women’s triathlon gold medalist Maria Claire Adorna ang tanong mula sa sports media sa ginanap na ika-40 edisyon ng “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Maynila Huwebes ng umaga.

NANINIWALA si triathlon women’s champion Maria Claire Adorna na magiging matagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Sa triathlon, na kung saan muli siyang lalahok, tiwala si Adorna na makukuha ng mga Pilipino ang mas maraming gintong medalya sa kabuuang walong events na nakataya sa kumpetisyon. “Tiwala po ako sa kakayahan ng ating triathlon team sa pangunguna ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco,” sabi ni Adorna sa kanyang unang pagdalo sa ika-40 edisyon ng “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Maynila Huwebes ng umaga. “Kayang-kayang natin manalo lalo na dito sa atin gagawin ang SEA Games,” sabi pa ng  26-anyos na si Adorna, na nagwagi ng ginto sa 2015 Singapore SEA Games at pilak sa 2017 Malaysia SEA Games.  Ang sinabi ni Adorna sa naturang weekly sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club,  Philippine Amusement and Gaming Corporation, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ay umayon sa mga naunang sinabi ni Carrasco na masusungkit ng mga Pinoy ang apat hangang anim na gintong medalya sa darating na SEA Games. Sa tanong na kung sino ang magiging mahigpit na kalaban ng mga Pilipino para sa gintong medalya, tinukoy ng University of the Philippines graduate na si Adorna ang Malaysia at Singapore. “Sa tingin ko, mahigpit pa din nating kalaban ang Malaysia at Singapore,” sabi ni Adorna, na nakatakdang lumahok sa 2019 World Beach Games sa Doha, Qatar sa Oktubre 11 at Asian Cup sa Jordan sa susunod na buwan. Ipinahayag ni Adorna na kailangan niya at iba pang Pinoy triathlete na lumahok sa maraming kumpetisyon upang madagdagan ang kanilang ranking points na magsisilbing tiket nila sa 2020 Tokyo Olympics. “Sa pamamagitan ng TOPS, nananawagan ako ngayon  ng suporta at dalangin sa ating mga kababayan, hindi lamang para sa aming triathlon team kundi para sa buong Team Pilipinas. Suportahan n’yo po kami lahat sa SEA Games,” dagdag ni Adorna sa lingguhang sports forum na ipinalabas sa Facebook sa pamamagitan ng Glitter Livestream. Nakasama ni Adorna sa nasabing sesyon sina Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham “Baham” Mitra at Philippine Arm Wrestling Federation president Arniel Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending