Fumiya, Yamyam naglasing, naaksidente…fake news!

KAY bago pa lang sa showbiz nina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong ng Pinoy Big Brother Otso pero nabiktima na sila agad ng fake news.

“OMG! Kapapasok lang po na balita naaksidente po sila FUMIYAM kaninang madaling araw sa Quezon City matapos magdrive ng lasing pauwi galing sa isang bar. Please share and Pray for their fast recovery po kritikal ngayon ang dalawa nasa ICU nagyon sila sa St. Luke’s Hospital.”

‘Yan ang lumabas na post sa Yamyam Team Abroad Official na ikinagulat ng fans ng dalawang former PBB housemates.

“I heard FumiYam got car accident. O, my gastos! Cry muna. I’m sobrang praying for them po… Sobrang fake news. I laughed taraga.”

‘Yan naman ang reaction ni Fumiya sa fake news about them.

Maging ang fans ng dalawa ay hindi naniwala sa fake news na kumalat sa social media. Tawang-tawa nga sila sa nagpakalat ng maling balita.

“Get ur facts straight unang una d marunong mag drive c Fumiya, sobrang I laughed taraga!”

“Galit sa FumiYam ang nag post kaya gumawa ng fake news.”

“Ok lang yan Fumi. Yung gumawa nyan sa kanya babalik yang pagpapakalat ng pekeng news.”

“Pa famous yong nagpakalat nyan. Kung sino man yong nagpakalat nyan sana cya ma car accident.”

“Mamamatay din ang nagpakalat niyan. Makarma sana sya walang magawa sa buhay.”

Read more...