TAGOS sa puso ang mensahe ni Ken Chan para sa 24th birthday ng ka-loveteam niyang si Rita Daniela na kanyang ibinahagi sa Instagram.
“Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya. Masaya ako para sa yo kasi unti-unti mo nang naaabot ang mga pangarap mo Ta.
“Masaya din ako bahagi ka ng buhay ko. Akap! Maligayang kaarawan @missritadaniella,” caption ni Ken sa kanyang IG greeting.
Tugon naman ni Rita sa Kapuso TV host-actor, “Masaya rin ako na bahagi ka ng buhay ko. Stay the same and keep on smiling kasi that’s your gift. You share so much energy and happiness in a lot of people!”
Muling magpapakilig sina Ken at Rita sa upcoming series nila sa GMA na One of the Baes kung saan normal na tao naman ang karakter ni Ken matapos gumanap na transwoman at special child sa previous teleserye niya.