Aktor adik sa sex, mahilig tumikim ng iba’t ibang putahe

AYAW na lang makihalo sa kontrobersiya ng ilang kilalang personalidad pero marami rin silang alam na kuwento tungkol sa lovelife ng isang pamosong aktor na nasasangkot sa iskandalo.

Talaga raw aktibo ang libido ng male personality, hindi siya nabubusog sa kaligayahang handog ng kanyang karelasyon, kailangan niya pang maghanap ng ibang babaeng makapagpapaligaya sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Siyempre, hindi niya naman aaminin ‘yun, pero alam niya sa sarili niya kung gaano siya kainit at kahilig. Sa totoo lang, more than anyone, siya lang ang nakakaalam ng mga pinaggagagawa niya!

“Sobrang mahilig sa extra curricular activity ang lalaking ‘yun, hindi siya nagkakasya sa isang girl lang, magaling siyang magpalusot!

“Ang galing-galing niyang gumawa ng paraan para hindi makahalata ang girlfriend niya, para-paraan nga naman ‘yun!” unang chika ng aming impormante.

Kung lambing ang pag-uusapan ay sagana sa kalambingan ang male personality na ito, pero bakit nga ba siya extra-lambing sa kanyang girlfriend, may kailangan ba siyang pagtakpan?

Balik-kuwento ng aming source, “Ganu’n naman talaga ang guy kapag may ginagawang milagro, extra-sweet sa girlfriend niya. Ganu’n na ganu’n si ____ (pangalan ng kontrobersiyal na aktor)!

“Naku, matagal na niyang ginagawa ang ganu’n, hindi lang sa kabi-break niyang karelasyon, at sa mismong housing authority pa niya nagaganap ang lahat! Mismo! Du’n nga sa house niya, safe na safe nga naman kasi siya du’n!

“Sobrang laki kasi ng tiwala sa kanya ng mga nagiging karelasyon niya, kasi nga, super-lambing siya at ang feeling ng girl, e, siya lang ang kaisa-isang babae sa buhay ng male personality sa sobrang pag-aasikaso niya!

“Alam ‘yun ng mga friends niya, hindi niya naman ipinagmamayabang, pero nahuhuli siya ng mga kaibigan niya na gumagawa ng milagro!

“Hay, naku! Sa totoo lang, madali lang din kasing makabingwit ng girls ang male personality na ito. Guwapo na, nagmumura pa ang mga abs!” hanggang du’n na lang ang clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Kuhang-kuha n’yo na siguro kung sino siya, di ba naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Read more...