HI, Dr. Heal. Ask ko lang po anu-ano po ba ang dapat kainin para maging active sa sex at healthy ang mga sperm cell ko? kasi gusto na talaga namin ng asawa ko na magkaanak na kami. — Marvin, 29, Kabacan, …8727
Hi, Marvin, bata pa kayo ni misis para mangailangan ng mga supplements. Ilang taon na ba kayong mag-asawa? Ipadala mo ang sperm analysis mo. Regular ba ang regla ng asawa mo? Nagpa-ultrasound na ba siya sa uterus and ovaries, nagpa-Pap smear na ba siya? gawin nyo muna ang mga ito.
Dr heal gud pm po. Tanong ko lang po bakit po ako laging nakakaramdam ng pagdumi kahit po wala namang lumalabas e lagi pa rin akong nadudumi. Nakakaabala sa trabaho at minsan sa pagtulog. Thanks po sa mga advice ninyo. — Roberto C. Reyes, 60, Gulod, Novaliches Quezon City, …9419
Maigi po na magpa-eksamin sa Gastroenterologist. Tumawag po kayo sa Radyo Mediko para makuha ko ang lahat ng detalye ng problema nyo. Araw araw po kaming mapapakinggan sa 990AM Radyo Inquirer alas 8 hanggang alas-9:30 ng gabi.
Doc pag chronic na po ang UTI, ano po ang negative effect nito sa sex para sa mga lalaki? – Ragideen Irujab, 40, Esperanza, Sultan Kudarat, …8610
Pwedeng pagkabaog ang isa sa pangit na epekto nito at ang isa pa ay mahihirapan sa “ejaculation”. Maiging magpatingin agad para hindi na umabot sa ganitong sitwasyon.
Good aftrnoon, Dr.Heal. Tanong ko lang po ano po ba ang dapat kong gawin? May bad breath po ako matagal na. Hndi ko na po alam ang ggawin ko, nakailang mouthwash na po ako pero mabaho talaga kahit walang bulok na ngipin. Pls.pls.pls help me! Minsan kasi naisip ko magpakamatay na lang, nakakahiya kasi. – Name withheld upon request, 27, Negros Oriental, …5384
Kung wala kang impeksyon sa ilong, patingnan mo sa malapit na doktor, baka may Reflux disease ka. Sumulat ka sa Medically Yours ng Radyo Mediko, radyomediko@yahoo.com para talakayin natin itong problema mo ng masinsinan. Don’t worry, one of these days, ito ang bibigyan natin na ibayong pansin.
Good day, doc Heal. Ano po ba ang mabisang paraan para lumiit ang aming bilbil or tyan? Kahit anong gawin naming ay hindi lumiliit. Nawawala po kasi ang self confidence naming. Nakakalaki po ba ang malamig na tubig? Salamat po.. – Chen, 28, Davao City, 1508
Ang bilbil ay nagpapakita na mataba ka. Hindi mo pa nagagawa ang lahat na dapat na gawin, sa totoo lang hindi mo pa nagagawa ang pinaka importanteng dapat gawin – ang pagsupil sa “OVEREATING”.
Hindi nakakataba ang tubig, malamig man o mainit, bagkus ay maari mong gamitin ito para makontrol ang iyong “FALSE APPETITE” o katakawan.
Si Dr. Heal ay regular na mapapakinggan sa Radyo Inquirer 990AM sa programang RADYO MEDICO, mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8 hanggang alas-9:30 ng gabi.