Catriona Gray gumawa na naman ng history; boses nasa Waze na

CATRIONA GRAY

BONGGA! Gumawa na naman ng history si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Mapapakinggan na ang boses ng Filipina beauty queen sa navigation app na Waze. Si Catriona ang first Filipino celebrity voice option sa Waze.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng reigning Miss Universe ang good news at proud na proud na ibinalita sa madlang pipol na kabilang na siya sa mga boses na maaaring magamit sa nasabing navigational app.

“So…I’m on Waze thanks to BDO! Let me help you find your way and make your drive a little more fun,” caption ni Catriona sa kanyang IG post.

Maaari nang magamit ngayon ang boses ni Catriona sa Waze sa pamamagitan ng pag-tap sa setting under “Voice and Sound” saka pumunta sa “Waze Voice” submenu at hanapin sa option ang pangalan ni Catriona.

Ilan sa mga linyahan ng beauty queen sa Waze ay ang “U-turns are best made slowly” at “Time to park the car and do the lava walk.”

Read more...