Gov’t official-actor lapitin pa rin ng matrona, beki

HANGGANG ngayon ay lapitin pa rin ng mga matrona at beki ang isang local official sa isang lalawigan sa Central Luzon.

Hindi naman naglalagak ng negosyo ang mga ito kundi nag-aalok ng pag-ibig sa ating bida na isa ring dating artista.

Bagama’t may edad na ay matikas pa rin si Sir, ayon sa aking cricket kaya naman lapitin pa rin siya ng ilang indecent proposal.

May mga anak si Sir pero mas minarapat niyang manatiling single sa hindi batid na dahilan.

Noong nagdaang eleksyon ay naging puhunan niya ang kanyang pagiging artista kaya marami ang nakuha niyang suporta lalo na sa mga mayayamang matrona sa kanilang lala-wigan.

Hindi na rin naman baguhan sa pulitika ang ating bida kaya kabisado na niya ang laro rito ika nga, kaya nakasasabay rin.

Alam niya kung kailan mambobola at kung kailan dapat magseryoso lalo’t mataas na ang narating ng kanyang political career.

Sa ngayon ay napapakinabangan pa rin daw niya ang kanyang charm sa pamamagitan ng pag-attract sa ilang mga negosyante na maglagak ng negosyo sa kanyang teritoryo.

Ito naman ang magi-ging batayan kung siya ba ay may ibubuga o sadyang puro porma lang tulad ng mga isyung ibinabato sa mga artistang sumusubok rin sa pulitika.

Ang bida sa ating kwento na local official na lapitin ng mga mayayamang matrona at beki ay si Mr. D…as in Dalandan.

Read more...