LPA naging bagyo na

NAGING bagyo na ang binabantayang Low Pressure Area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Tinawag itong Nimfa, ang ikaapat na bagyo ngayong Setyembre.

Ang bagyo ay nasa layong 695 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes. Halos hindi ito umaalis sa puwesto.

May hangin itong umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong hanggang 70 kilometro bawat oras.

Ang isa pang LPA na nasa kanluran ng Zambales ay inaasahang malulusaw na at sasama sa bagyong Nimfa.

Sa Sabado pa inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.

Read more...