HINDI ba naging maganda ang pagpasok ng Year of the Earth Pig (2019) para sa iyo?
Hindi pa huli ang lahat, meron ka pang limang buwan (hanggang Chinese New Year) para papasukin ang swerte.
At merong tips ang Feng Shui Master ni Hanz Cua para mangyari ito.
“Alam nyo ang pagpasok ng ‘ber months’ ito yung panahon na mas maraming opportunity ang darating,” ani Master Hanz.
Para pumasok ang swerte sa iyong bahay, naririto ang sabi ni Master Hanz:
Bukas na pinto, bintana
Madalas dapat nakabukas ang mga bintana at pintuan “dahil pag bukas ang pintuan at bintana natin pumapasok yung new opportunity or new energy.”
Kung palaging nakasarado ang pintuan at binata ay nagiging stagnant ang energy.
“Ibig sabihin kung ano ang swerte mo hanggang dun lang hindi siya nag-go-grow, hindi siya lumalaki.
Minsan yung mga problema andun lang. Yung health also mas maraming illness star o illness energy dahil hindi nabubuksan ang bintana at pintuan.”
Ingat lang din at baka magnanakaw ang pumasok.
Maglinis
Mahalaga na maialis sa bahay ang mga sira o lumang gamit.
“Sa bahay natin ide-declutter natin ang mga gamit na sira na o luma na. Itapon na yung mga lumang furniture kung ang sofa natin sira-sira na, yung mga basag na mga plato, baso, may bungi na yan hindi yan masuwerte.”
Maging ang mga figurine na kumupas na ang kulay ay dapat na ring itapon.
Pundidong ilaw alisin
Mahalaga umano na maliwanag ang loob ng bahay kaya huwag papabayaan na mayroong mga ilaw na pundido.
Ang mga pundidong ilaw ay missed opportunity, ayon kay Master Hanz. Kapag gabi ay maganda kung bukas ang ilaw sa main door.
Maayos na pinto
Ang pintuan ay itinuturing na bibig ng tahanan kung saan pumapasok ang energy kaya dapat ay maayos ito.
“Kung sira-sira at di na maayos ang pintuan, pakiskisan ito pa-barnisan. Kung gusto mo naman ay palitan na ng bago dahil ito ang bibig kung saan papasok ang energy ng feng shui sa tahanan natin.”
Mahalaga rin umano na hindi lumalangitngit ang bisagra (hinges) ng pintuan dahil hindi ito masuwerte.
Sala
Importante rin na pagpasok sa bahay ang unang makikita ay ang living room at hindi ang dining room.
“Pag pasok ng pintuan ang kitang-kita agad ay dining room this signifies na ang tahanan na ito ay laging nakukuha o nawawalan ng opportunity o nananakawan ng pera because robbery star is activated.”
Hindi umano masuwerte ang mga bahay kung nakikita ng kapitbahay ang lamesa o dining table.
Maaari namang maglagay ng divider para hindi makita ang kusina o dining table.
“From the outside ang makikita talaga (dapat) ay living room. Dahil ang living room siya ang nagka-catch o nagkukuha ng mga pera o ng mga kliyente.”
Pampasuwerte
Ayon kay Master Hanz, na may tindahan sa Cityland Shaw Tower sa Shaw Boulevard corner St. Francis st., sa Mandaluyong (masterhanz.com), may mga bagay na maaaring i-display sa bahay para ma-enhance ang swerte.
Ang arowana o dragon fish
A piyao o dragon money catcher. Ang Piyao ay walang pwet kaya pag pumasok ang pera hindi lalabas. “May pera kasi na madali ang pasok ng pera, ang problema hindi pa umiinit eh ibinayad ko ng utang.”
Nariyan din ang money frog, “yung frog na may kagat na coin dapat yun is papasok din ng pintuan” ang posisyon.
Ang wealth inviting cat o yung pusa na nakaaway “maganda yun nagtatawag ng yun ng pera papasok ng tahanan.”
Horse
Ang pagdi-display ng horse figurine ay maganda naman para sa mga ipinanganak ng year of the dog, sheep, tiger, ox, dragon, snake, rabbit rooster monkey and pig “kasi ang horse na yan is one of the auspicious o swerte.”
Ayon kay Master Hanz ang horse ay isang success sign para sa lahat ng signs.
Kaya lang sa 2020 ay year of the metal rat na pinaka kalaban ng mga ipinanganak ng year of the horse (ipinanganak ng 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002 at 2014).