ITINALAGA ni Pangulong Duterte si dating Manila City Jail warden Gerald Quitaleg Bantag bilang bagong Director-General ng Bureau of Corrections (BuCor) kapalit ng sinibak na si dating BuCor chief Nicanor Faeldon.
“The Palace welcomes the appointment of Mr. Gerald Quitaleg Bantag as the new Director-General of the Bureau of Corrections (BuCor),” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Idinagdag ni Panelo na itinalaga si Bantag bilang bagong BuCor head dahil sa kanyang “professional competence and honesty.”
Papalitan ni Bantag si Faeldon matapos naman ang kontrobersiya kaugnay ng muntik nang pagpapalaya kay convicted Calauan mayor Antonio Sanchez at 1,700 iba pang heinous crime convicts.
“The Palace is behind the President’s decision and is confident that DG Bantag will continue the administration’s campaign against corruption as he spearheads reform initiatives in the bureau,” ayon pa kay Panelo.