P200K pabuya vs nagtapon ng patay na baboy sa Marikina River

NAG-ALOK na ang lokal na pamahalaan ng Marikina City ng P200,000 pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon para matukoy ang nasa likod ng pagtatapon ng mga patay na baboy sa Marikina River.

“Magbibigay ako P200, 000 sa kung sino man ang makakapagbigay ng impoaprmasyon sa culprit ng pagtapon ng 58 na mga baboy sa Marikina River,” sabi ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa isang pahayag.

Idinagdag ni Teodoro na manggagaling ang pera mula sa kanyang personal na pondo.

“Personal kong pera iyang iniaalok ko. Ito ay inaalok ko para makatulong sa pagtukoy ng kung sino man ang nagtapon ng mga baboy,” dagdag ni Teodoro.

Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Marikina City na umabot na sa 58 patay na baboy ang narekober mula sa Marikina River.

Read more...