Ito’y matapos namang magpositibo sa ASF ang 11 patay na baboy na natagpuan sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.
Sa isang pahayag, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sakop ng maramihang pagpatay ang mga baboy na pasok sa 1-kilometer radius.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang tulong pinansiyal sa mga may-ari ng mga piggery at gayundin ang livelihood assistance.
Sinabi ng Department of Agriculture, mahigit 7,400 baboy sa mga pigger farms sa Antipolo City at Rodriguez sa Rizal at Guiguintom, Bulacan ang isinailalim sa culling.
Tiniyak naman ng DA na ligtas ang mga ibinebentang lokal na produktong baboy.