Hypoglycemia kasing lala ng diabetes

MARAMI ang umiiwas sa matatamis at kanin sa takot na maging diabetes o tumaas ang lebel ng sugar sa dugo.

Ang hindi masyadong napag-uusapan, papaano kung magkulang naman ang sugar sa dugo (glucose) na siyang pangunahing ginagamit na e-nerhiya ng katawan?

Hypoglycemia ang tawag sa kondisyong ito, ayon sa mayoclinic.com.

Sintomas

Ilan sa mga sintomas ng pagbagsak ng sugar ng isang tao ay ang iregular heart rhythm, fatigue, pamumutla, panginginig ng katawan, pagkabalisa, pagpapawis, pagkagutom, pagiging iritable, pampamanhid ng labi, pagluha habang natutulog.

Malala na ang hypoglycemia kung nakakaranas na ng pagkalito, pagiging abnormal ng ugali na nag-reresulta sa pagkabigo na matapos ang mga gawain, panlalabo ng paningin, seizure, nawawalan ng ulirat o hinihimatay, mukhang lasing, at nabubulol.

Anong dapat gawin?

Kapag kinulang ang glucose sa dugo ay kaila-ngan itong agad na punan. Kailangang maibalik sa normal ang lebel ng sugar.

Upang magawa ito ay kailangang kumain o uminom ng high-sugar food o drink o gamot. Kaya madalas ang pagpapakain ng candy o pag-inom ng softdrink o pag-inom ng glucose tablet.

Kung madalas itong mangyari, kailangang magpasuri na agad sa doktor upang matukoy ang sanhi ng hypoglycemia.

Kailangan din na agad magpunta sa doktor kung hindi tumaas ang sugar level kahit na uminom na o kumain ng matamis.

Glucose

Ang glucose ang main energy source ng katawan pero hindi ito magagamit ng katawan kung walang insulin—ang hormone na ginagawa naman ng katawan.

Kapag tumaas ang lebel ng glucose ay nagla-labas ang pancreas ng insulin para magawa itong enerhiya ng katawan. Ang glucose na hindi nagamit o nasusunog ng katawan ay naiipon sa atay at muscles at nagiging glycogen.

Kapag bumagsak ang blood sugar level, nagpapadala ng signal ang katawan sa liver upang gamitin ang glycogen at gawin itong glucose pabalik sa dugo upang ma-natiling normal ang blood sugar level.

Maaari ring gumawa ng glucose ang liver at kidney.

Sanhi

Madalas na magkaroon ng hypoglycemia ang mga taong may diabetes dahil napapasobra ang pagbabawas nila ng glucose sa kanilang kinakain o sila ay nagpapagutom.

Ang isang type 1 diabetic ay maaaring gumamit o nagkarga ng sobrang insulin o hindi nagagamit ng katawan ang insulin (type 2 diabetic) na nagreresulta sa sobrang glucose sa katawan.

Kapag nangyari ito ay kailangang pababain ang sugar sa dugo kaya kailangang magdagdag ng insulin.

Kapag sumobra ang nailagay na insulin ay maaaring magresulta sa hypoglycemia.

Read more...