Alden saludo sa viral kid ng Cebu: Ibang klaseng bata!


MAS na-inspire pa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na ipagpatuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan matapos makilala nang personal ang viral kid ng Cebu.

Kumalat sa social media ang video ng batang si Jose Roldan “Ada” Midel kung saan makikita ang ginawa nitong pagtulong sa isang bulag.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Alden ang litrato nila ng bata na kuha noong bumisita siya sa Cebu kung saan nakasulat ang kanyang mensahe para sa lahat ng mga taong walang sawang tumutulong sa kapwa sa kahit maliit na paraan lamang.

“Kindness is the language that the deaf can hear and the blind can see.

“Finally got to meet Jose Roldan Midel here in Cebu. Ada’s video showing him gi-ving food to a 40-year old blind man went viral.

“And what’s really touching about it is they’ve become friends and Ada and his dad continue to help him whenever they see him.”

“Sana ma-inspire ta-yong lahat sa istorya ni Ada. Kindness is a gift everyone can afford to give, so let’s always remember to pay it forward,” pahayag ni Alden na muling mapapanood sa primetime simula ngayong gabi sa inspirational at advocaserye na The Gift.

Read more...