MayWard waging Couple of the Night; KathNiel, LizQuen pasok sa Top 3

#WINNER! Waging-wagi ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber sa ginanap na ABS-CBN Ball 2019 last Saturday night.

Dahil sa agaw-eksena nilang OOTD sa event, trending ang kanilang mga pictures together sa social media na pinusuan ng libu-libong netizens, kabilang na ang MayWard fans.

Bukod dito, sila rin ang nagwaging “couple of the night” sa ABS-CBN News poll sa Facebook. Umabot sa mahigit 16.4K heart reacts and likes ang kanilang tambalan.

Pumangalawa naman sa botohan ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang nasa third spot naman ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil.

Read more...