Kim Molina hiyang-hiya nang pag-usapan sa presscon ng 'Jowable' ang 'selfie sex' | Bandera

Kim Molina hiyang-hiya nang pag-usapan sa presscon ng ‘Jowable’ ang ‘selfie sex’

Reggee Bonoan |September 16,2019
facebook
share this

Kim Molina hiyang-hiya nang pag-usapan sa presscon ng ‘Jowable’ ang ‘selfie sex’

Reggee Bonoan - September 16, 2019 - 12:10 AM

NATIGILAN si Candy Pangilinan sa tanong kung nasubukan na niyang magpaligaya sa sarili (masturbate) sa ginanap na “Jowable” mediacon kamakailan. Gumaganap na madre ang aktres sa pelikula at isa nga sa naging topic ang pagsasarili.

Nabanggit kasi ng magulang ng lead star ng movie na si Kim Molina na bagama’t proud sila sa anak ay hindi naman nila mai-share ang trailer ng “Jowable” dahil pati madre ay isinama sa kalokohan.

“Napalunok ako doon ah!” natawang sagot ni Candy. “Ah, finger typing (sabay tawa). Hindi ko po kayang sagutin, pasensiya na po kayo. Wala pa po ako sa ganu’n. As a character (madre) kaya ko pong sagutin, nag finger na po ‘yung karakter kaso po napagod siya.”

Ibinigay naman ang mikropono kay Jerald Napoles na boyfriend ni Kim sa totoong buhay at leading man din niya sa pelikula. Game namang sumagot ang aktor, “Oo magaling akong mag-finger, kayo na ang magbigay ng meaning kung ano ‘yun (sabay tingin kay Kim na pinandidilatan siya). Opo, finger food.”

Singit ni Kim, “Finger foods ‘yung kinakain.” Hirit naman ni Jerald, “Oo nga, kaya nga bahala na sila kung anong gusto nilang meaning. Magaling po akong mag-finger ng lahat ng mapi-finger.”

Hiyang-hiya naman ang karelasyon niyang si Kim na umabot pa sa pagtatakip ng buhok nito sa mukha.

Ayon naman sa isa pang member ng cast na si Chad Kinis, “Hindi ko pa po na-try kasi top ako, eh. Ha-hahaha. Top one ako sa school.”

Pero si Cai Cortez na buntis sa ikalawang baby niya ay umaming na-finger na, “Yes po sa unang (baby) na-finger na po ako doon para lumabas ang anak ko. Kasi pinuputok ‘yung kailangang putukin.
Iyon, na-finger na po ako ng OB (Gyn) ko.”

Tawanan ang lahat sa na-ging takbo ng usapan sa “Jo-wable” mediacon dahil sa mga naughty questions ng ilang members ng press na game na game namang sinagot ng cast.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Darryl Yap handog ng Viva Films at mapapanood na ito sa Set. 25 nationwide.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending