MAY ilang panahon na ring annulled ang kasal ng isang TV host at sa karelasyong nagbunga ng isang supling na magbibinatilyo na.
Nasa pangangalaga ng babae ang bata who’s enrolled at a reputable school in the southern part of Metro Manila. In fairness to the TV host, never siyang na-ging isang pabayang ama sa kanyang anak.
Pero habang nagkakaisip ang bata’y lalo siyang namumuhi sa ama, not that he’s being brainwashed by his mother (na ang huli naming nabalitaan ay masaya na rin sa piling ng iba).
“The boy used to idolize his dad before, but now he’s beginning to despise him,” kuwento ng isa sa mga naging guro ng bata sa amin.
Hindi nga lang makuhang idetalye ng aming source ang dahilan why the boy has deve-loped feelings of animosity toward his father, “The mother trusts me so much that she tells me everything about her ex-husband. Pero mas dapat protektahan ang minor dahil baka kung ano’ng gawin nito na maaaring ikasama niya.”
Kung may diperensiya man ang TV host, hardly does it manifest sa pang-araw-araw niyang gawain. In the eyes of his audience na kulang na lang ay sambahin siyang parang iniluwa ng langit, he seems to be a responsible pa-rent na sobra kung magpahalaga sa pamilya.
The irony is that habang marami siyang napapaligaya sa kanyang programa, meron pala siyang father-to-son issue that he has to deal with.
Something which cannot be resolved by choosing the box containing the jackpot prize.