Nanuntok, nagmura sa Grab driver lagot kay Raffy Tulfo

RAFFY TULFO

Matagal naming nakasama sa trabaho ang Grab driver na pinagtulungang mura-murahin ng kanyang mga pasahero na humantong pa nga sa pananakit sa kanya.
Mabuting tao si Reynaldo Tugade, dati naming cameraman sa ABS-CBN, masipag siya at walang reklamo sa trabaho. Hanggang ngayon ay cameraman pa rin siya pero kapag wala siyang shoot ay suma-sideline siya bilang Grab driver.
Four-seater lang ang sasakyan ni Rey, anim ang mga pasaherong kumuha sa kanya, tinutulan niya ‘yun dahil may sinusunod na polisiya ang kanilang kompanya na bawal ang overloading.
Dahil du’n ay sunud-sunod na pagmumura na ang kanyang tinanggap, sinuntok pa siya ng maangas na pasaherong si Mercado, nahuli-nakulong ang mga ito at patung-patong na kaso ang kailangan nilang panagutan ngayon.
May alam sa self-defense si Rey, pero hindi niya ‘yun ginamit, pinairal niya ang pagiging cool habang dinuduro na siya ng lalaking pasahero.
Matinding tulong ang ibinibigay sa kanya ngayon ni Kuya Raffy Tulfo, isinigaw nito sa kanyang programang “Wanted Sa Radyo” na hindi tatantanan ng kanyang staff ang pag-iimbestiga tungkol sa mga nanakit kay Reynaldo Tugade, kailangan nga namang panagutan ng mga ito ang pananakit-pambabastos sa isang taong nagsisikap lang namang kumita para sa kanyang pamilya.
Dapat lang namang mabawasan ng maaangas ang mundo, huwag na silang makipaggitgitan pa sa dami ng mga kababayan nating nagpapairal ng pisikal na lakas, sa kaunting bagay lang na puwede namang pag-usapan nang maayos.

Read more...