Kris agaw-eksena sa concert ni Moira; bumalik na ang dating itsura

KRIS AQUINO

STAR-STUDDED ang audience ng “Braver” concert ni Moira dela Torre na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.

Nakita namin doon ang mag-inang Kris Aquino at Bimby, sina Julia Barretto, Leon Barretto, Bailey May, Kyle Echarri, Moi Bien, Aaron Villaflor, Karla Estrada, Sam Milby, Kit Thompson (with his non showbiz girlfriend), Erik Santos, Kyla, Morissette, Kathryn Bernardo at Coco Martin.

Kinaya ni Moira na punuin ang Araneta Coliseum at ang ganda-ganda ng kanyang entablado, pakiramdam namin ay ang sobrang lamig sa venue dahil sa winter concept with matching snow pang bumabagsak.

Anyway, naghihiyawan naman ang mga nanood ng “Braver ” kapag pina-flash sa screen si Kris kasama ang bunsong si Bimby na nakaupo sa VIP section kaya kitang-kita sila ng lahat.

Sabi ng mga katabi namin, “Magaling na si Kris, blooming na. Nakakapanood na siya ng concert.” Totoong iba na ang aura ngayon ni Kris kaya may lumalabas na balitang in love na naman siya.

May kinanta si Moira na dedicated sa ate Kris niya na masarap daw magmahal kahit sandali lang na ikinakilig naman ng huli sabay tawa at sabay kiss naman ni Bimby.

Binisita namin ang Instagram account ni Kris habang nasa concert kami at may post doon ng litrato nila ni Bimby bago pumunta ng show.

Ang caption ni Kris sa litrato nilang mag-ina, “All in black, no turning back #teambonding (only 1 of my giants wanted to “chaperone” tonight, Kuya’s too excited for our trip on Sunday, it’s our last for the family before Bimb starts 7th grade) HAPPY WEEKEND to all.”

Samantala, bago naman ang concert ay dumalo muna sa hearing si Kris sa Quezon City Justice Hall kung saan nagkita sila nang personal ni Atty. Jesus Falcis na kinasuhan niya ng cyber libel.

Ang abogadong Falcis ay kapatid ni Nicko Falcis na dating business manager ni Kris na nauna niyang kinasuhan ng 44 counts of unqualified theft sa paggamit nito ng company (Kris Aquino Productions) credit card.

Pinagkaguluhan din si Kris ng mga empleyado ng Justice Hall at game na game naman siyang nakipag-selfie sa mga ito.

Ipinost pa ni Kris ang video kung saan makikita kung paano siya pinagkaguluhan ng mga tao. May caption itong, “I made a promise, makikita n’yo lang po ‘yung mga ngiti ko, hindi ‘yung “effort” para maka ngiti akong muli.
“I prayed nonstop & I continue to pray that God may still open a road of compromise- one paved in justice, fairness, and a shared mutual desire to correct wrongs and heal pains, without further hurt.

“Opo, malaki ang nagbago sa ‘kin, napalitan na ang galit at sama ng loob ng mas malalim na pagkakilala sa totoong pagkatao ko at tamang pagpapahalaga sa kung ano at sino ang talagang importante sa buhay ko.

“I’m not who I used to be. You say that everything changed. You’re right, we’re grown now.”

Read more...