BAHAGYANG humina ang bagyong Marilyn habang papalabas ito ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration may tyansa na malusaw ang bagyo at maging isang low pressure area na lamang.
“However, potential re-development into a Tropical Depression remains likely,” saad ng PAGASA.
Kung hindi magbabago ng direksyon ay nakalabas na ng PAR ang bagyo ngayong umaga,.
Ngayong araw ang bagyo ay nasa layong 1,215 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes. Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro bawat oras pahilagang kanluran.
Ang bilis ng hangin nito ay umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugsong 55 kilometro bawat oras.
MOST READ
LATEST STORIES