Baron Geisler, Jamie Evangelista ikinasal na

“MABUHAY ang bagong kasal!”

Yan ang sigaw ng mga fans at social media followers ng Kapamilya actor na si Baron Geisler matapos ang naganap na civil wedding nila ni Jamie Evangelista.

Sa Facebook account ni Jamie, naka-post ang ilang litrato na nila ni Baron na kuha sa kanilang civil ceremony sa Quezon City Hall. Ang nagkasal sa kanila ay si Judge Arthur Malabaguio.

Makikita sa mga photo ang bagong kasal na parehong nakasuot ng puting damit. Ipinost din ni Jamie ang mga wedding ring nila ni Baron.

Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa mula sa kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Last year nagkakilala sina Baron at Jamie habang nasa rehabilitation center ang aktor kung saan isa sa mga psychologist si Jamie. Love at first sight daw ang nangyari sa kanila kaya ganu’n din kabilis ang naging takbo ng kanilang love story.

Sa panayam kay Baron bago ang kanilang kasal, sinabi niyang regalo ng Diyos sa kanya si Jamie na siyang dahilan kung bakit nakabangon siya agad mula sa pagkadapa nang ilang beses.

“I’m very blessed to have her in my life kasi I’m not perfect, I’m God’s work in progress, but I am striving to be the best version of myself.

“Without God by my side and without her, I cannot make it,” aniya.

Read more...