Rayver nagsunud-sunod ang swerte sa GMA: Promise po, mas gagalingan ko pa!

KUNG may isang dating Kapamilya na talagang tinamaan ng matinding swerte mula nang lumipat sa Kapuso Network, ‘yan ay walang iba kundi si Rayver Cruz.

In fairness, mula nang lumipat sa GMA 7 si Rayver at nagsunud-sunod na ang kanyang mga proyekto. Bukod sa mga teleserye ay nabigyan din siya ng chance na maging TV host sa pamamagitan ng weekly musical show na Studio 7.

Napapanood din si Rayver ngayon sa pinag-uusapang horror-suspense-drama na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA Afternoon Prime kasama sina Megan Young at Kris Bernal. 

At bukod nga sa Studio 7, siya at si Julie Anne San Jose ang pinagkatiwalaan ng GMA 7 para maging kapalit ni Regine Velasquez bilang Clash Masters sa season 2 ng The Clash. Makakasama rin nila dito sina Rita Daniela at Ken Chan bilang mga Journey hosts.

“Super lucky, super honored and humbled and sobrang thankful ako sa GMA. Nu’ng pag-sign ko sa kanila, tuluy-tuloy ang blessings and sobrang thankful ako sa kanila. And from my end naman, ibibigay ko yung best ko sa lahat ng projects na binibigay nila,” pahayag ni Rayver sa presscon ng The Clash 2.

“Gagalingan ko pa, lalo na hosting is first for me. I mean, nag-host ako before sa mga variety shows and, of course, sa Studio 7, pero ito kasi, host na talaga sa isang major singing competition show. So super-excited! Of course, kinakabahan din pero mas excited and sobrang happy,” aniya pa.

Siguradong maikukumpara sila ni Julie Anne kay Regine kapag umere na ang The Clash, “Kami siguro, gusto lang namin ma-input yung new feel and yung new vibe, siguro, na dala naming apat, di ba?

“Gets naman namin kapag may magagalit o may mamba-bash, kasi part of the process yan, e. I mean, may kanya-kanyang opinyon yung tao, pero para sa aming apat, masaya kami to be part of the show, and maging host and mas excited na kami na ipakita kung sino talaga kami.

“Kasi, kung mapapanood mo kami sa show, sa mga soap, sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, iba ako, iba kami kapag nag-Studio 7. Pero ito kasi, feeling ko, makikita ninyo kung sino si Rayver, Julie, Ken and Rita kapag magkakasama kami as hosts.

“And siguro, from that part of the end sa amin, maipapakita namin sa tao yung new feel namin bilang hosts,” hirit pa ni Rayver.

Ngayong Sabado na, Sept. 21 makikilala ang Top 64 Clashers na maglalaban-laban sa The Clash stage para sa “isa laban sa lahat” showdown.  Makakasama pa rin sa show ang The Clash panel na kinabibilangan nina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Queen Ai Ai delas Alas. 

For Lani, having a good voice is not enough, “Yung pipiliin namin ay kung sino ang karapat-dapat maging grand champion. Kung minsan, nagkakasabay na pareho silang mahusay, pero ang iko-consider ko rin is star quality.” 

Para naman kay Christian, “All-around performer. Hindi kailangan kang maganda, gwapo, kailangan talaga sa pag-perform mo, mahuli kaming lahat. Dapat may puso kapag kumanta.”

“May mga Clasher na pagpasok pa lang ng stage, commanding na ‘yung presence, tapos kapag kumanta na, mapapa-wow ka talaga. Dapat ‘yung huhulihin niya kami at ‘yung audience sa buong performance niya,” sey naman ni Ai Ai.

Under the helm of Director Louie Ignacio, follow the journey of each Clasher on The Clash Season 2 simula ngayong Sabado, 7 p.m. after Pepito Manaloto, at Linggo, 7:40 p.m., after Daig Kayo Ng Lola Ko.

* * *

Read more...