McCoy type dyowain si Miles: Gets niya ako!

By Reggee Bonoan September 13,2019
share this

McCoy type dyowain si Miles: Gets niya ako!

By Reggee Bonoan September 13,2019
share this

McCOY DE LEON AT MILES OCAMPO

Kaya naman pala laging sinasabi ni McCoy de Leon na naka-move on na siya kay Elisse Joson ay dahil may bago na siyang apple of the eye, ‘yan ay walang iba kundi si Miles Ocampo.

Napansin namin ang magandang tandem nina McCoy at Miles nang mapanood namin sila sa Home Sweetie Home Extra Sweet nu’ng Sabado. In fairness bagay ang dalawa kung sakaling sila ang gawing loveteam.

Nagulat na lang kami kahapon ng umaga nang may mag-post sa Facebook ng isang episode ng Tonight with Boy Abunda kung saan inamin ni McCoy kay kuya Boy Abunda na type niya si Miles.

Kasama ng aktor sa guesting nila sa TWBA sina Mark Oblea at Paulo Angeles para sa promo ng pelikulang “G!” na mapapanood na ngayong araw, nationwide handog ng Cineko Productions at idinirek ni Dondon Santos.

May pa-game si kuya Boy sa “G!” boys na magpapakita siya ng litrato ng Kapamilya actresses at sasabihin nila kung gusto nilang maging “tropa” o “jowa.” Sabay nagtaas sina Mark at McCoy ng “jowa” nang ipakita ang litrat ni Miles.

Ayon kay Mark kaya niya gusto si Miles ay, “Maganda siya!” na sinang-ayunan naman ni kuya Boy.

“Tropa” naman ang sabi ni Paulo dahil matagal na raw nagsabi sa kanila ang kaibigang si McCoy na crush nito si Miles. Hiyang-hiya naman ang binata at hindi malaman kung anong upo ang gagawin.
Sabi ni kuya Boy sa binata, “McCoy, mag-usap tayo. Bakit jowa?”

“Iba po kasi siya, kumbaga naiintindihan niya ako. Hindi siya parang artista kapag nakakasama ko,” say ng binata.

Diretsong tanong ng TWBA host, “Ikaw ba ay may relasyon kay Miles, oo o hindi?” “Siguro tito Boy wala pa,” sambit nito.

Hirit pa ng TV host, “Kung magkakaroon ka ng girlfriend ngayon, si Miles ba ‘yun?” “Kung puwede,” nakangiting sabi ng tsinitong aktor.

Sabi tuloy ni Mark, “Magpapalit na ako ng ‘tropa’ hindi mo naman kasi sinabi agad.” At pinuri naman ni kuya Boy si Mark dahil sa pagiging marespeto nito sa kaibigan.

Nakakaloka, nakailang panayam ang lahat kay McCoy nitong mga nakaraang presscon ng “G!” pero hindi niya nababanggit si Miles. Kaya pala okay lang sa kanya na mapunta ang dating girlfriend sa kaibigan niyang si Jameson Blake na kasama rin sa pelikulang “G!” dahil may gusto na siyang iba.

Halos lahat naman ng nakapanood sa episode na ‘yun ng TWBA ay botong-boto kina McCoy at Miles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending