StarStruck Final 4 sasabak na sa huling showdown

By Jun Nardo September 13,2019
share this

StarStruck Final 4 sasabak na sa huling showdown

By Jun Nardo September 13,2019
share this

Kim de Leon, Allen Yansay, Lexi Gonzales at Shayne Saya

Matira ang matibay sa Final Four hopefuls ng Kapuso artista search na StarStruck ngayong Sabado ng gabi.

Final showdown na this Saturday at siguradong itotodo na ng dalawang boys na sina Kim de Leon at Allen Yansay ang kanilang powers para masungkit ang Ultimate Male Survivor.

Sa girls naman, sina Lexi Gonzales at Shayne Saya ang mag-aagawan sa title bilang Ultmate Female Survivor.

Lamang si Kim kay Allen sa galing nito sa pag-arte. Ang tangkad naman ni Allen ang nakakaungos kay Kim.

Sa girls naman, matunog ang pangalan ni Shayne na ikinukumpara sa StarStuck winner noon na si Kris Bernal. Of course, hindi naman patatalo sa kanya si Lexi pagdating sa hatawan sa dance floor at pagkanta.

Ngayong Sabado ang final battle ng Final Four at sa Linggo naman ng gabi ang big reveal para sa tatanghaling grand winners!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending