Alden bilib na bilib kay Isko: Makikita talaga nila ngayon ang ganda ng Maynila

DUMANAS ng struggles si Alden Richards at ang iba pang cast members ng upcoming Kapuso primetime series na The Gift habang nagti-taping sa kahabaan ng Divisoria.

 “Mahirap po!” saad ni Alden sa ginanap na mediacon ng bagong series.

“Akamin batina naman natin na ang Divisoria ay busy place po. Meron pa silang regular programming doon at ngayon lang ako nakapag-taping sa lugar na napaka-busy.

        “Medyo may struggles po. Kahit marami po ang tumutulong para maayos ang crowd. Kahit nahihirapan, nairaraos naman namin ang taping,” paliwanag pa ng Asia’s Multimedia Star.

        Pagpapatuloy pa niya, “Siguro po yung area, nakakatulong sa amin. Nararamdaman naming na taga-doon kami. Nakakatulong ‘yung surroundings para maging parte sa pag-i-internalize sa aming roles.

        “Na-miss ko talaga mag-portray ng ganitong role kaya natuwa ako sa ganoong area ang loction namin,” dagdag ng Pambansang Bae.

      Ayon pa kay Alden, impressed siya sa mga ginagawa ni Mayor Isko Moreno para sa Maynila. Kung matatandaan, nag-courtesy call pa siya at iba pang kasama sa The Gift kay Mayor Isko bago magsimula ang taping nila sa Divisoria.

        “I was so impressed sa naging development ng Manila ngayon dahil sa pamumuno niya at nakakatuwa dahil itong The Gift ay may showcase sa Manileños at sa mga Kapuso natin all over the Philippines kung paano nag-improve ang Manila and kakakatuwa dahil nakikita namin yun sa locations namin,” pahayag pa ni Alden.

First time gaganap na bulag si Alden sa isang proyekto, “Hindi ko po naisip na gagawin ko siya. Pero siyempre po, bilang actor, meron kang responsibility na lahat puwede mong gawin.

“Ang pag-portray ng isang disabled person, yung walang paningin, hindi ko po inakala na magiging ganito ako ka-excited na gawin siya, kasi sobrang may puso. May puso po ang role, may puso rin ang istorya at may puso po ang lahat ng characters dito sa The Gift,” pahayag pa ni Alden.

        Ano naman ang best gift na natanggap niya sa buong buhay niya?

        “’Yung pagiging aktor ko po, With this best gift, binago nito ang buhay ko pero as much as it is changing my life, I am chaging others as well through the inspiration they get sa mga ginagawa kong projects,” tugon niya.

        Gift din ba para sa kanya ‘yung mawala na siya sa loveteam at makatrahaho ang iba pang magagaling na artista? 

“Blessing in a way dahil nabigyan ako ng chance para mag-grow. Masarap po ang pakiramdam na nakakagawa ka ng proyekto na nagiging proud ka sa sarili mo. So masaya ako sa nagiging desisyon ko ngayon!” rason ni Alden.

        Sa Sept.16na mapapanood ang The Gift sa GMA Telebabad. Makakasama rin sa series na ito sina Jo Berry, Jean Garcia, Mikee Quintos, Elizabeth Oropesa, Mikoy Morales at marami pang iba, sa direksyon ni LA Madridejos.

                                                

      

Read more...