Julia kinampihan si Kyle Echarri: Mahirap na nakikita ko siyang nasasaktan

By Julie Bonifacio September 11,2019
share this

Julia kinampihan si Kyle Echarri: Mahirap na nakikita ko siyang nasasaktan

By Julie Bonifacio September 11,2019
share this

BAGO pa man nag-post ang Kadenang Ginto star na si Kyle Echarri ng mensahe sa kanyang Instagram account bilang suporta kay Julia Barretto ay nakahanda na siya sa magiging effect nito. 

      Sa kanyang IG post sinabi ni Kyle na natutuwa siya na nakilala niya si Julia. Kasunod nito ang pagbibigay niya ng encouraging words sa aktres.

     “Never let the ‘talks’ bring you down. Not everyone will be willing to lend their ears but the truth will always be your greatest weapon. Never lose that beautiful smile.

     “There are so many of us who want to see you happy. Thank you for everything,” message ni Kyle kay Julia. 

      Sa sumunod na bahagi ng kanyang post, inilahad ng young singer-actor kung bakit ipinagtatanggol niya si Julia.

      Tamang-tama naman at nakausap namin si Kyle sa launch ng kanyang bagong kanta na “Imagine” ka-duet ang Singaporean singer-songwriter na si Haven.

      Bilang kaibigan, inamin ni Kyle na naapektuhan siya sa mga nanghusga at nanglait kay Julia. 

      “Siyempre, bilang kaibigan po mahirap na makita mo ang kaibigan mo na nasasaktan. Pero ako masaya lang po ako kasi she’s a very strong person and she’s taking it very well right now,” sabi ni Kyle. 

    Hindi naman daw siya nag-aalala na ma-bash din ng netizens sa pagkampi niya kay Julia,   “Well, of course, nu’ng ipinost ko po alam ko naman kung ano ang mangyayari sa akin. I was expecting na ma-bash po talaga ako. Pero bilang kaibigan, kapag feeling ko po kung ano ‘yung tama, I stand up for my friend,” say pa ni Kyle. 

q q q

                           

       Nagpahayag ng damdamin sina San Jose del Monte Mayor Arthur Robes at maybahay niyang si Cong. Florida “Ate Rida” Robes sa kalagayan ng prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso. 

      Nakausap namin ang mag-asawang politiko sa announcement ng kanilang 19th Cityhood Anniversary at Tanglawan Festival 2019. Para sa kaalaman ng marami, nakatayo sa San Jose del Monte ang bago at napakalaking studio ng ABS-CBN. 

     Ilang buwan na lang ang nalalabi ay magla-lapse na ang prangkisa ng Kapamilya Network. Hinihintay na lang na maaprubahan sa Kongreso ang kanilang prangkisa.

     “Actually, I think they applied na for a renewal of license. Hanggang doon lang ang alam ko. Pero sabi naman ng ABS-CBN, they can find ways. I don’t know, kasi I don’t meddle on what they do legally. Basta ako, I’m just here to support them kapag nandito na sila,” pahayag ni Cong. Robes. 

      Kinumpirma niya na kailangan ng maraming boto ng mga kongresista para maaprubahan ang franchise ng ABS-CBN. Aware rin ang kongresista na ilang buwan na lang ang hinihintay na panahon para ma-renew o ma-freeze ang franchise ng Kapamilya network.

      “Oo nga,” pagsang-ayon niya. “Actually, let’s wait. Kasi nasa budget call kami, so doon kami naka-focus.”

     

      Aminado si Cong. Robes na magiging malaking tulong sa kanyang bayan ang ABS-CBN sa San Jose del Monte at pati na rin sa buong tourism industry. 

 

      As of now, abalang-abala sina Mayor at Cong. Robes sa mga istrakturang ipinatayo nila sa San Jose del Monte gaya ng eskwelahan at ospital. 

     Nagtayo rin sila ng kauna-unahag building for adoption and treatment ng mga pet, ang City Veterinary Office, Convention Center, Sports Center at Disaster and Calamity Center with the newest and modern facilities. Plus, isang mobile Command Center para sa panahon ng kalamidad sa kanilang bayan.

                                        

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending