Hindi Bakla Si Xian Lim! Tsismis Lang! – Joyce Bernal

Joce Bernal (inset) Xian Lim at Kim Chiu

 

BALITANG nagreklamo si Xian Lim sa exposure niya sa seryeng Ina Kapatid Anak ng ABS-CBN noong umeere pa ito kaya nagkaroon ng hindi kagandahang issue sa pagitan niya at ng ilang production people.

Kaya sa presscon ng bagong pelikula ng Star Cinema na “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo” nina Xian at Kim Chiu tinanong namin mismo ang direktor nito na si Bb. Joyce Bernal kung may mga reklamo rin ang aktor sa exposure niya sa movie, “Hindi naman, ewan ko baka nga siguro, hindi ko lang alam kung ano ang reputasyon ko  sa kanya,” kaswal na sagot ng direktor.

“Si Xian kasi nag-struggle siya, sino (ano) ‘yung ipapakita niya.  So ipinupunta namin siya everyday kasi nagso-soap siya that time (Ina Kapatid Anak), so ipinupunta namin siya everyday to be real, pumunta ka kung sino ka, takot na takot siyang magpakita ng totoong siya kasi baka may judgment,” sey ni direk Joyce.

Gusto mo pa rin bang idirek si  Xian, pagkatapos ng “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo”?

“Actually, gusto ko pa naman siyang idirek mainly because, hindi siya mayabang na tao, pinapagalitan ko siya, so parang may gusto siyang gawin parati, napakasipag niya, gusto niyang maniwala pa rin ang tao (marunong umarte) after this movie,” tugon ng direktor.

E, maniniwala nga ba ang tao kay Xian, balik-tanong namin? “Sanamaniwala pa rin. Basta buksan (bigyan ng chance) n’yo lang, try lang, huwag lang siguro (tuldukan). Siguro kung naapektuhan din ako ng judgment kay Xian, siguro pangit lalabas ang karakter niya.”

Diretsong tanong namin kay direk Joyce kung nagagandahan siya sa pelikula niyang “Bakit Hindi Ka Crush ngMahalMo?”

“Matapang ito, nahirapan ako ng konti para ilabas ‘yung katapangan (dahil hango sa libro ni Ramon Bautista), Star Cinema love story pa rin kasi ang gusto nila. But ‘yung kabuuan is still there, the kick is still there, the fun, ‘yung masakit, ‘yung totoo, nandoon pa rin lahat, so okay na ‘yun.”

“Kilig naman, si Xian totoo when it comes to Kim, hindi siya puwedeng mag-over ng sobra kasi parang sasabihan din siya ni Kim ng, ‘Oo nga, huwag.’ Hindi siya puwedeng sumobra, alam niya kung hanggang saan lang siya.”

“May fear si Xian na hindi siya (magaling) mga Piolo Pascual, hindi siya ganu’n,” dagdag pa nito.

Isa pang  tanong namin kay direk Joyce sa ilang buwan niyang nakasama at naobserbahan sina Kim at Xian ay napansin na ba niyang magdyowa ang dalawa? “Hindi, eh. I think they’re good friends.”

Sa madaling salita, magkumpare’t magkumare lang? “Hindi naman bakla si Xian!” mabilis na sagot ni direk na ikinaloka namin dahil parang malayo ang sagot sa tanong.

Kaagad na sinabi ng direktor na may mga haka-haka raw na nakarating sa kanya na bading raw si Xian.

“Oo, may mga ganu’n pero wala naman akong dapat i-prove to anyone na ganu’n nga siya, pero ano siya artist talaga siya, kaya naintindihan ko siya on that part.  May mundo siyang ganu’n,” sey nito.

Pero aminado ang direktor ng “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo” na, “Mas magaling talaga umarte si Kean (Cipriano), alam niya, confident siya,” katwiran sa amin.

Read more...