MANGANGAILANGAN ng may 2,000 trabaho kada taon sa Canada.
Magbibigay ng dagdag na oportunidad sa mga Pilipinong skilled workers ang pagbubukas ng Yukon, isang probinsya sa Canada, ng 2,000 trabaho kada taon sa iba’t ibang industriya.
Lumagda sa isang joint communique ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang mga opisyal ng Yukon para sa deployment ng mga skilled worker, na mayroon pang oportunidad na maisama ng mga manggagawa ang kanilang mga pamilya.
Naglalaman ang joint communique sa Yukon Canada ng kanilang hiling para sa 2,000 skilled workes kada taon,
Matapos ang kasunduan, kinakailangan ang agarang aksyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang pabilisin ang deployment ng mga manggagawa sa Yukon, maging ang pagpoproseso ng mga Overseas Employment Certificate (OEC) para sa mga magtatrabaho sa Vancouver at Toronto.
Aabot ang suweldo mula P80,000 hanggang P300,000 at karamihan sa mga bakanteng posisyon na bubuksan sa mga Pilipinong skilled worker.
Partikular na sa heavy equipment operator, nurse, cook, chef, engineer, caregiver, call center agent at iba pang lokal na oportunidad sa trabaho.
Ang mga interesadong aplikante ay dapat na fluent sa English, mayroong naaayon na job degree, at pagsasanay, at physically at mentally fit.
Mas gusto ng mga Canadian ang mga Pilipinong manggagawa dahil sa kalidad ng trabaho at sipag nating mga Pinoy.
Mahalaga rin sa kanila ang family bonding kaya naman hinihikayat nila ang mga manggagawa na isama ang kani-kanilang mga pamilya sa Canada at tutulungan silang makapasok sa nasabing bansa.
Ang Yukon ay isang teritoryo sa northwest Canada na mayroong 20,000 na residente, kung saan nasa 3,000 ay mga Pilipino. Kaya naman kahit saan ka magpunta, makakakita ka ng mga Pilipino.
Very welcome sila sa komunidad.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.