Neri Naig wais na misis, resthouse business natupad na

By Alex Brosas September 11,2019
share this

Neri Naig wais na misis, resthouse business natupad na

By Alex Brosas September 11,2019
share this

PROUD na ipinost ni Neri Miranda, wife ni Chito Miranda, sa kanyang Instagram account ang bagong business nilang mag-asawa.

“Miranda’s Rest House! See you in 3 months! Matatapos na talaga! @mirandasresthouse. Eto yung FIRST business venture namin ni Chito bilang mag asawa. 

“FIRST family business, bwahaha! I gave in!

“Wais siya kase nung pumasok na siya bilang investor at partner, buo na yung lugar. Beautification at renovation nalang for some parts. Kung ako ang #WaisNaMisis, siya naman ang #MasWaisNaMister! Haha!

“Yes, nakinig ako sa mga suggestions nyo na sana may swimming pool. Kaya naglagay na kami. Di lang kita yung events place sa bandang dulo, but I will post updates ng @mirandasresthouse soon!

“Excited na ako! Halos maubos ang savings pero worth it! Mababawi din naman soon! Sanaaaa! Haha!”

‘Yan ang mahabang caption niya.

May advice din si Neri sa gustong magkaroon ng property.

“Sa lahat ng mga mommies, misis, o kahit hindi pa misis, na nangarap katulad ko, kapit lang! Kayang kaya yan! 5 years ago, hindi ko man akalain na matutupad isa isa ang mga pangarap ko. Pero dahil sa sipag at tyaga, pananalig sa sarili at kay God, determinasyon at focus, matibay na support system, di impossible yan sa mga taong nangangarap.

“Hintay hintay lang at darating din talaga ang para sa atin.

“Pero habang naghihintay sa opportunity na yun, improve ourselves. Trabaho pa ng maigi para hasang hasa na tayo.

“Ako? Layo ko pa! Ang damiiii ko pang kailangang pag-aralan sa buhay at negosyo pero di ako nawawalan ng pag asa. 

Go lang! Yes to challenges dapat!

“Kaya ikaw, psst! Oo ikaw na nagbabasa nito. Kung sa tingin mo imposible nang makuha ang mga pangarap mo, mali ka. Kayang kaya mo yan. Kailangan mo lang hanapin kung saan ang mga kakayahan mo. Pero wag kalimutang i-acknowledge ang weaknesses mo. 

“Ok lang yun. Tanggapin lahat yan kase that will make you YOU. Kung ibang tao ay naniniwala sa mga kakayahan mo, bakit mo ida-doubt ang sarili mo, di ba? At kung marami namang nagda-doubt sayo, ipakita mo sa sarili mo na kaya mo. Walang excuse. YOU CAN DO IT.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending