PATAY ang isang mangingisda nang tamaan ng kidlat sa bahagi ng dagat na sakop ng Agno, Pangasinan, nitong Lunes.
Nakilala ang nasawi bilang si Christopher Nomil, 42, residente ng Sitio Kalaunionan, Brgy. Boboy, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.
Naganap ang insidente dakong ala-1:45, sa bahagi ng dagat na malapit sa naturang barangay.
Nangingisda si Nomil mlapit sa isang fish cage o “payao,” nang bigla na lang umano tamaan ng kidlat.
Iniuwi na ng pamilya ni Nomil ang kanyang mga labi, na balak ipa-most mortem examination ng lokal na pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES