Ayuda tiniyak sa hog raisers na apektado ng Swine Fever

 

TINIYAK ng Palasyo ang ayuda ng gobyerno sa mga hog raisers na apektado ng African Swine Fever (ASF) matapos makapasok ito ng bansa.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na tatlong lugar lamang sa bansa ang kumpirmadong apektado ng ASF.

“The Department (of Agriculture) is giving P3,000 and iyong local governments can also add to the 3,000… only three areas are affected – Rodriguez, Antipolo and one in Bulacan. I forgot the name in Bulacan. So confined lang naman, limited,” dagdag ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na kumpiyansa si Agriculture Secretary William Dar na hindi apektado ang kalusugan ng publiko sa patuloy na pagkain ng karne ng baboy.

Sinabi pa ni Panelo na nasa lokal na pamahalaan na kung magbibigay din ng ayudang pinansiyal sa mga apektadong nag-aalag ng baboy.

Read more...