P154.6M jackpot ng Ultra Lotto hindi tinamaan

WALANG tumama sa P154.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Linggo.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa winning number combination na 56-53-49-40-20-07.

Sa bola sa Martes ay posibleng umabot na sa P160 milyon ang jackpot prize. May bola rin ng Ultra Lotto tuwing Biyernes.

Nanalo naman ang limang mananaya ng tig-P257,550 matapos makuha ang limang numero.

Tig-P3,480 naman ang 296 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 8,538 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Read more...