4 scalper sa UAAP game arestado

INARESTO ng pulisya ang apat na scalper sa laro ng University Athletic Association of the Philippines Men’s Basketball Tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Arland Vince Panopio, 26, Arjan Lloyd Panopio, 20, Roland Mark Madera, 20, mga residente ng Manila City, at Youhey Yamashiro, 26, ng Cubao.

Nakatanggap ng reklamo ang pulisya kaugnay ng iligal umanong pagbebenta ng tiket ng UAAP sa Smart Araneta Coliseum para sa laro ng DLSU at Ateneo. Nakuha sa mga suspek ang apat na tiket na ibinebenta ng mahal.

Mayroong anti-scalping ordinance ang QC. 

Read more...