Alden malapit nang magkadyowa, balak nga bang ligawan si Catriona? | Bandera

Alden malapit nang magkadyowa, balak nga bang ligawan si Catriona?

|September 09,2019
facebook
share this

Alden malapit nang magkadyowa, balak nga bang ligawan si Catriona?

- September 09, 2019 - 12:50 AM

“MALAPIT na!” ‘Yan ang diretsong sagot ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.

Magkakaroon na raw kasi siya ng panahon ngayon para sa kanyang personal na buhay lalo na ang usapin tungkol sa puso.

“Naisip ko po magkakapanahon na tayo diyan ngayon, malapit na,” pahayag ni Alden.

“Parang ito na po yung time na yon kasi ngayon naka-establish na po ako ng medyo okey na foundation and sources para maging solid yung future ng family ko because of the businesses that I’ve been with. Parang ngayon po is the perfect time naman para sa sarili ko,” dagdag pa ng bagong box-office king.

Pag-amin pa ni Alden, may napupusuan na raw siya ngayon at ito ang balak niyang ligawan, “Ngayon po kasi, may ina-eye na ako. Pero tingnan natin.”

May bulung-bulungan na ang tinutukoy daw ng Pambansang Bae ay si 2018 Miss Universe Catriona Gray. Maraming netizens kasi ang nakapansin na palaging nila-like ni Alden ang mga social media posts ni Catriona kaya baka raw ang beauty queen ang balak pormahan ng Kapuso actor.

“Miss Universe natin naman siya and what’s not to like, siyempre Miss Universe. And I heard she’s a very good person so I’m looking forward to meeting her,” ang matipid na sagot ni Alden nang matanong tungkol dito.

Samantala, kahit na sikat na sikat na at napakarami nang na-achieve sa buhay nananarili pa ring mabait at humble ang binata. Aniya, ito’y dahil na rin sa kanyang pagiging maka-Diyos.

“Kasi yung faith ko po, it keeps my sanity. ‘Yung faith ko po keeps me grounded. Na at the end of the day, kapag wala na ‘yung fame, wala na ‘yung pera, wala na ‘yung kasikatan mo, hiyawan ng tao sa ‘yo, ‘yung pagmamahal ng Diyos, hindi magbabago, eh.

“Kaya ganu’n na lang po ako ka-faithful. All the more that I get this recognition, itong mga bonus sa ginagawa ko, mas lalo ko pong hinahawakan yung kamay ng Diyos.

“Siya po yung nagbabalik sa akin na, ‘Ops, teka, baka nakakalimutan mo na ikaw pa rin ‘tong taong ‘to.’ So yon po yung… ando’n po yung sanity ko, sa faith ko, kaya lagi po akong nagdadasal,” paliwanag ni Alden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending