Wacky Kiray napasubo, naghubad ng pantalon sa ‘ICSYV’ 

NAPILITANG maghubad ng pantalon ang komedyanteng si Wacky Kiray sa episode ng I Can See Your Voice nitong Sabado.
Napasubo ang Kapamilya comedian nang ipagsigawan niya na huhubarin niya ang kanyang pants at magbi-briefs lang siya kung seen-tunado ang contestant na napili ng celebrity guests.
Talagang ipinagpilitan niya na singer ang tinanggal ng Idol Philippines Top 3 na sina Lance, Lucas at Zephanie pero nang pumagitna na nga ito sa stage – yes, siya ay certified seen-tunado! Kaya walang nagawa si Wacky kundi ang maghubad kaya naman tilian at palakpakan ang audience.
Napapanood ang I Can See Your Voice tuwing Sabado after Maalaala Mo Kaya hosted by Luis Manzano.

Read more...