‘Genuine Love’ dokyu tungkol kay Gina Lopez nasa iWant, YouTube na | Bandera

‘Genuine Love’ dokyu tungkol kay Gina Lopez nasa iWant, YouTube na

|September 09,2019
facebook
share this

‘Genuine Love’ dokyu tungkol kay Gina Lopez nasa iWant, YouTube na

- September 09, 2019 - 12:32 AM

GINA LOPEZ

SA pamamagitan ng dokumentaryong “Genuine Love,” mas nakilala ang pagmamahal para sa mga bata, Pilipino, bansa, Diyos, at kalikasan ni Gina Lopez. Ipinakita ito ng yumaong chairperson ng ABS-CBN Foundation sa kanyang mga sinimulang proyekto tulad ng mga programang “Sineskwela,” “Hiraya Manawari,” at “Bayani”. Dito hinimok ang mga bata na mahalin ang pag-aaral at bayan; ang unang rescue hotline para sa mga inabusong bata na Bantay Bata 163; at mga kampanya para sa kalikasan tulad ng Bantay Kalikasan, Save the La Mesa Watershed, Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig, at No to Mining in Palawan. Mapapanood muli ng mga netizen ang dokumentaryo sa YouTube channel ng ABS-CBN News at sa streaming service na iWant. Nilikha ng ABS-CBN DocuCentral, ipinapakita ng “Genuine Love” ang iba-ibang aspeto ng buhay ni Gina mula sa mga kwento ng kanyang inang si Conchita, mga kapatid kabilang sina ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III at Creative Programs Inc. president Ernie Lopez, at mga naging katrabaho at kasama sa ABS-CBN Foundation Inc. (AFI) tulad ni dating Bantay Bata 163 head Tina Monzon-Palma at Bantay Kalikasan program director Jen Santos. Bumuhos ang mga papuri at pasasalamat kay Gina matapos ipalabas ang dokyu sa ABS-CBN noong Agosto 25, ilang araw matapos siyang pumanaw. Makikita rito ang karanasan niya bilang misyonaryo ng Ananda Marga, mga balita at panayam tungkol sa kanya at mga adbokasiya niya, kabilang ang huling interbyu sa kanya noong Hulyo, kung saan nagpakita pa rin siya ng buhay at pag-asa sa kabila ng dinaranas na sakit. Para sa Twitter user na si @djhamerabag, walang katulad si Gina na iniwan ang pamilya at maginhawang buhay para maglingkod sa kapwa. Pinasalamatan naman siya ng Twitter user na si @champagnemiles para sa pagtulong sa mga komunidad na maglunsad ng kanilang sariling mga negosyo at proyekto sa pamamagitan ng ILove Foundation at “G Diaries.” Nais naman sundan ni @stephanie_hazel ang kanyang yapak dahil sa kanyang paglilingkod hindi para sa pera o kasikatan, kundi dahil sa pag-ibig para sa mga Pilipino at sa Diyos. Mababasa ang iba pang tribute at kwento tungkol kay Gina Lopez sa pag-search sa mga hashtag na  #GenuineLove at “MaramingSalamatGinaLopez.” Panoorin ang “Genuine Love” sa iwant.ph, iWant App, skyondemand.com.ph, o sa ABS-CBN News YouTube channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending