Rayver naniningil ng ‘utang’ kay Gerald?

By Reggee Bonoan September 09,2019
share this

Rayver naniningil ng ‘utang’ kay Gerald?

By Reggee Bonoan September 09,2019
share this

ENCHONG DEE, GERALD ANDERSON AT RAYVER CRUZ

BUKOD sa seryeng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko at Studio 7 ay may isa pang bagong programa si Rayver Cruz, siya ang isa sa mga host ng The Clash Season 2.
Ipinost ni Rayver sa Instagram ang litrato niyang naka-suit para sa promo ng The Clash at dito nga nagkomento ang kaibigan niyang si Gerald Anderson “Bro will you take care of me na? Ikaw na ang King don’t forget we are BBM brothers @rayvercruz @mr_enchongdee,” sabi ni Gerald.
Sinagot ng Kapuso actor ang mensahe ng kaibigan na tila sinisingil niya, “@andersongeraldjr Wahahahahaha! Brother naman kailangan pa rin namin ‘yung plane ticket namin ni @mr_enchongdee waiting pa rin kami sa trip natin.”
Mukhang sa Turkey ang tungo ng magkakaibigan base na rin sa Turkey flag na inisingit ni Rayver sa kanyang comment.
Sa nakaraang mediacon ng pelikulang “Circa” na kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 kung saan kasama si Enchong ay natanong namin ang aktor kung nagkikita-kita pa rin sila nina Rayver at Gerald dahil super busy silang lahat.
“Hindi na nga, eh. Hari na ng Kapuso (network) ‘yun, e!” natawang sabi ni Enchong tungkol kay Rayver.
Biniro namin ang aktor na baka maging isa rin siya sa “hari” kapag lumipat siya ng GMA, “Shhhh…(sinaway kami ni Enchong), ikaw talaga! Pinapalipat mo na ba ako?”
Matagal na kasing walang project ang aktor sa ABS-CBN, “Hindi ganu’n. Masaya ako!” mabilis namang sagot niya sa amin.
Mukhang masaya nga naman ang binata sa ABS-CBN. Sa ngayon siya pa rin ang host ng season 2 ng programang AgriCOOLture sa Knowledge Channel.
Bukod dito ay may pelikula siyang “Pepe at Pepito,” “Parang buhay ng batang Rizal (Jose Rizal), pangbata ang movie. Kasama ko sina Pokwang, Sweet (John Lapus), marami kami. Target sana for MMFF, hindi ko pa alam kung pasok kami,” say pa ni Enchong.
At tungkol sa out of the country trip na sinisingil ni Rayver kay Gerald, “Matagal na nga ‘yun. Nag-bet kasi kami nina Gerald dati at ang bayad niya sa amin, trip abroad pero boys night out lang, boys trip lang. Wala pa nga, depende kay Gerald kung saang bansa kami pupunta, one year ago na nga ‘yun!”
Muli naming tinanong kung may girlfriend ngayon si Enchong, “Wala pa. Wala nga akong regular na trabaho, maggi-girlfriend pa,” birong sabi nito.
Samantala, nagpapasalamat si Enchong kay Direk Adolf Felix dahil isinama siya sa pelikulang “Circa” na pawang beteranong mga artista ang kasama sa pangunguna nina Direk Gina Alajar, Jaclyn Jose, Laurice Guillen, Elizabeth Oropesa, Rosanna Roces, Ricky Davao at Ms. Anita Linda with the special participation of Eddie Garcia.
“Laking pasasalamat ko po talaga at naalala ko while doing this movie na nagdasal ako ng susunod kong proyekto, hindi ko naman alam na bibigyan niya ako nang sobra-sobra.
“Binigyan ako ng proyekto na nakasama ko ang magagaling na artista na ‘yung mga kaedad ko, e, gustung-gusto silang makatrabaho pero ako ‘yung nabigyan ng chance.
“Sabi ko nga, siguro ang maganda kong gawin is ibigay ko na lang ‘yung kaya kong ibigay and I told direk Adolf na, ‘direk gabayan mo ako ha, kasi ako ‘yung nasa labas sa kanilang lahat (mga beteranong artista) kaya kailangan akong ayusin ang ginagawa ko,” pakumbabang sabi ng aktor.
Pinuri naman ni direk Gina ang binata na lagi niyang kaeksena bilang anak niya, “Ang galing ni Enchong, alam mong pinag-aralan niya ‘yung role niya, nararamdaman ko habang pinapanood ko. Tahimik lang siya at nagmumuni-muni. At kapag nagte-take, may presence of mind siya, alam niya kung paano niya iha-handle ang sarili niya kaya bilib ako sa kanya.”
Hindi ba nahirapang kaeksena ni Enchong si Ms. Anita, “Bago kami magsimula, na-introduce na sa akin ni direk Adolf na may mga lapses na kailangan mas malakas ang pananalita (boses) para maintindihan niya (Ms Anita). Nag mental repair na ako na need kong mag-adjust.
“Ang nakakatuwa kay tita Alice (tawag kay Ms. Anita), kapag mahahaba ang linya, klaro sa kanya at memorize niya, ‘yung mga minsang maikling linyang may batuhan doon may lapses but it’s okay magaling naman si direk mag-edit.
“Nabibilib ako sabi ko nga, how I wish I also have that sharp memory when I reach that age (94 years old),” sabi pa ni Enchong.
Ang “Circa” ay mula sa produksyon ni Noble Wolf, ABAJ Film Productions, Swift Productions at RSVP Film Studios at mapapanood na sa Set. 13 nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending