#Malas: Julia ligwak sa bagong TV commercial ni Joshua

By Cristy Fermin September 09,2019
share this

#Malas: Julia ligwak sa bagong TV commercial ni Joshua

By Cristy Fermin September 09,2019
share this

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Kapaniwalaan nang kapag nagkahiwalay ang magka-loveteam ay ang lalaki ang nagiging dehado sa labanan. Pero isang sumikat na male personality ang nakapagpatunay na hindi ‘yun totoo, si Tirso Cruz III, na nang mahiwalay ang pangalan kay Nora Aunor ay patuloy pa rin ang takbo ng mabiyayang career.
Sa kasalukuyang panahon ay pinatunayan din ‘yun ni Alden Richards, hindi pinulot sa kangkungan ang karera ng Pambansang Bae nang mahiwalay ito sa pundya ni Maine Mendoza, mas sumikat pa nga si Alden dahil sa matagumpay nilang tambalan sa pelikula ni Kathryn Bernardo.
At may isa pa. Si Joshua Garcia na patuloy ang maayos na career sa pagkawala ni Julia Barretto, tanggap na tanggap ng publiko ang kanilang tambalan ni Janella Savador sa The Killer Bride, mas kuminang pa nga ang pangalan ng young actor ngayong wala na si Julia.
May bagong TVC si Joshua para sa isang higanteng food chain, nag-iisa na lang siya sa commercial, wala na si Julia na dati niyang katambal sa patalastas.
Ang isang magaling na aktor na tulad ni Joshua Garcia ay hindi kailanman mapag-iiwanan. Maraming nagguguwapuhang artistang lalaki ngayon pero kulang naman sa talento.
Si Joshua, hindi man siya ang klaseng super-guwapo talaga ay pinagniningning naman ng talento ang kanyang karera, siya ang itinuturing na pinakamagaling na aktor ng kanyang panahon.
At nasa kanya ang simpatya ng buong bayan sa nangyari sa kanilang relasyon ni Julia na naugnay ang pangalan kay Gerald Anderson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending