MATAPOS pakawalan sa ila-lim ng Good Conduct Time Allowance law (RA 10592) ang mahigit 2,000 convicts ng iba’t ibang karumaldumal na kaso, nagkukumahog ang ilang senador at kongresista na amyendahan ang nasabing batas.
Ayon sa legislative records, ang Senate bill 3064 (Preventive Suspension law) ay inihain noong 2012 nina Senador Gringo Honasan, Manny Villar, Chiz Escudero at Miriam Santiago.
Samantalang ang House bill 417 noong 2013 ay isi-nulong nina Ex-Congressman at ngayo’y senador Sonny Angara, Reps. Rufus Rodriguez, Marlyn Aggabao, Cresente Paez, at iba pa.
Ito’y pinirmahan ni da-ting Pangulong Noynoy noong May 29, 2013 at ang IRR o Implementing Rules and Regulations ay ginawa nina dating Justice Secretary at ngayon ay detained Senator Leila De Lima, at ex-Interior Secretary Mar Roxas na nagkabisa noong Marso, 2014.
Sa hindi pa malamang dahilan, hindi niliwanag sa binuo nilang IRR kung bawal ang mga “heinous convicts” kahit nakasaad sa GCTA law ang pagkakaiba ng “credit for preventive impri-sonment” at ang “post-conviction imprisonment”. Dahil dito, walang tinukoy sa mga binuong “uniform manuals” para sa Bureau of Correction at Board of Pardons and Paroles.
Kayat panahon nina PNoy at de Lima, nakalabas ng Bilibid ang unang 62 “heinous convicts” sa ilalim ni BuCor director Franklin Bucayo.
Noong 2015, panahon ni Gen Rainier Cruz, 105 ang nakalabas.
Kay Duterte nitong 2016, 212 ang nakalaya sa panahon ni Rolando Asuncion at 335 naman noong 2017 kay Director Benjamin delos Santos. Kay Director Valfrie Tablan, 335 ang nakalabas at nang maupo si ex-PNP chief at ngayo’y Sen. Bato de la Rosa, umabot ito sa 384.
At nitong June 25, 2019 lamang, lumabas ang “una-nimous decision” ng Korte Suprema na gawing “retroactive” ang “GCTA law” para sa lahat ng preso, maging detenido pa lang o kaya’y “convicted” dahil mayroon din silang kara-patan bilang tao.
At dahil walang pagbabawal sa “heinous convicts”, lumobo sa 816 karumal dumal na “preso” ang nakalaya nitong taon.
Marami pa ang nakalinya at muntik nang maisama sa pagpapalaya sina Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez at iba pang high profile heinous convicts.
Lumitaw ngayon na na-ging “ilegal” ang proseso ng BuCor sa GCTA law kayat pinapa-aresto muli ni Pres. Duterte ang halos 2,000 “heinous convicts” sa loob ng 15 araw. Kahapon, meron ng 76 na kusang sumuko.
Dahil dito, ang mga kongresista at senador ay isinusulong na amyendahan ang GCTA law o RA 10592 upang tuluyang ipagbawal dito ang mga “heinous cri-minals”.
Sinisi pa ng mga House authors sa pangunguna nina Rep. Rodriguez at Sen. A-ngara ang Senate version noon, na siyang may ideya raw ng pumalpak na “expanded GCTA law”.
Sa Senate investigation, lumitaw na maraming mga taga-BuCor ang ginawang gatasan nang husto ang palpak na interpretasyon ng GCTA law sa loob ng limang taon.
Sabi ng isang “whistle blower”, P50,000 hanggang P 150,000 ang hininging “lagay” ng tatlong opisyal doon para mapaagang mapalaya ang kanyang asawa.
Sa totoo lang, napatunayan dito na bulok talaga ang ating hustisya at hindi rin maaasahan ang mga marurunong nating mambabatas na nasa likod ng palpak na GCTA law.
Sa ganang akin, ito’y bulkang sumabog sa mga mukha ng mga senador, congressman, Korte Suprema at Malacanang. Tama lang magalit ang bayan dahil totoo namang palpak silang lahat.
GCTA law: Bulkang sumabog sa mukha ng Kongreso at Malacañang
READ NEXT
The man with a withered hand
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...