Maris: Mabilis akong maka-move on sa heartbreak

MARIS RACAL AT IÑIGO PASCUAL

KAHANGA-HANGA ang ginawa ni Iñigo Pascual kay Maris Racal nu’ng mag-guest sila sa Magandang Buhay para sa promo ng movie nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, ang “I’m Ellenya L.”

Nag-sorry si Iñigo kay Maris sa anumang sakit na naidulot niya sa kalabtim. Buong-puso naman itong tinanggap ni Maris at kitang-kita na biglang umaliwalas ang mukha niya after mag-sorry sa kanya ni Inigo.

Ipinagdiinan din ni Maris na very positive siyang tao, “Mabilis ako maka-move on. Hindi ako nagde-dwell sa negative feeling. Thankful ako na nakaka-cope up ako mag-isa.”

Nakaka-good vibes naman ang ginawa nina Iñigo at Maris sa audience at viewers ng Magandang Buhay. Pati ang mga host ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ay talagang na-touch sa pagkakaayos nina Iñigo at Maris.

For sure, haping-hapi ang MarNigo fans sa kanilang mga idolo at susuportahan nila ang “I’m Ellenya L” sa mga sinehan na palabas na sa Sept. 13.

Read more...