Ex-Girltrend member Kapuso na; ka-join sa ‘BJ’

ERIN OCAMPO

Nagsalita na ang bagong GMA Artist Center talent na si Erin Ocampo sa akusasyon ng pagtatraydor ng dating kasamahan sa grupong GirlTrends na si Chienna Filomeno.

Sa panayam kay Erin sinabi nitong na-hurt siya nang marinig ang sinabi ni Chienna, “Matagal na po kami magkaibigan. Sa buong grupo ng GirlTrends, kami po dalawa ‘yung pinakamatagal na magkakilala.

“Nasaktan ako na parang, siyempre, nainis ng konti. Pero ayoko na lang magbigay ng any bad comments or negative comments about her about sa isyu basta tapos na po ‘yun,” sabi pa ng bagong Kapuso.

Nagpasalamat naman ang actress-dancer sa GMA dahil sa bagong proyektong ibinigay sa kanya.

Makakasama siya sa bagong primetime series na Beautiful Justice na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Derrick Monasterio, Gabbi Garcia at Gil Cuerva. Gaganap siya rito bilang PDEA agent.

“Nagma-Muay thai boxing po kasi ako ngayon. So kung ano naman po ‘yung pain sa body tolerable naman, kaya naman siya,” aniya tungkol sa training na pinagdaanan nila.

Magsisimula na ang Beautiful Justice ngayong Lunes, Sept. 9 sa GMA Telebabad, kapalit ng Sahaya.

Read more...