Pacman balik-eskwela, ibinandera ang student ID sa University of Makati

PROUD na proud na ipinost ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account ang kanyang ID bilang estudyante ng University of Makati.

Yes, nagdesisyon na ang Pambansang Kamao na bumalik sa pag-aaral para makuha ang inaasam na college diploma.

Caption ng senador sa kanyang IG photo, “Never stop learning because life never stops teaching.”

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa pagbabalik-eskwela ni Pacman at tama lang daw ang naging desisyon niya na tapusin ang kanyang pag-aaral para mas mapalawak pa niya ang kaalaman tungkol sa mga national issues.

Bago sumabak sa larangan ng pagboboksing, Elementary lang ang natapos ni ni Pacquiao pero noong February, 2007, nakapasa siya sa high school equivalency exam kaya nagkaroon siya ng high school diploma mula sa Department of Education at nakapag-enroll sa business management course sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City.

At ngayon nga, sa edad na 40, balik sa pagiging estudyante ang senador sa University of Makati sa kursong AB Political Science–Local Administration.

Narito naman ang ilan sa mga mensahe ng netizens para kay Pacman:

Sey ni @ladyservillas, “Wow!!!!!! Amazing!!! Just plain amazing!”

“Correct. Wishing you all the best today and always,” comment ni @stannkwazema.

“I really admire you senator Manny mabuhay ka sir,” sey naman ni @chef_noslen.

Komento ni, @yham_andrea_08, “WoW wonderful sir manny. Your the best pacman #worldchampion #boxing #senator.”

Sabi naman ni @mel_machiato, “Agreed…keep inspiring people you are really The Man!”

Read more...