Enchong inatake ng allergy nang mag-swimming sa Marinduque

ENCHONG DEE

Casual na ikinuwento ni Enchong Dee na nagkaroon siya ng allergy na malapit sa mga mata after he swam sa dagat sa Marinduque.

Ikinuwento ng host ng Season 3 ng Agricoolture ng Knowledge Channel ang posibleng dahilan ng kanyang allergy.

Nag-swimming sa dagat ang actor after the shoot ng kanyang episode.

“Hindi ko maintindihan bakit umiinit ‘yung balat ko sa may mata at saka ‘yung mata ko, nagsisimula nang mamula.

“Nu’ng nagtanong ako bakit parang may allergic reaction ako sa tubig, I found out na du’n pala sa Marinduque, merong ipinasara na mining company si Ms. Gina Lopez,” chika ng aktor.

“Sabi ko, these are the things na hindi alam ng mga tao. Nagtataka ako bakit parang patay yung dagat, walang corals, walang mga fish. Sabi ko, hindi natin alam na may ginagawa pala para sa bansa natin, tapos we are just taking these for granted,” dagdag pa niya.

Read more...