May kakaibang version ng The Clash ang magaganap sa Sarap ‘Di Ba? ngayong Sabado as Kakai Bautista and Lovely Abella try to outsing each other in a hilarious biritan face-off kasama ang kanilang mga respective partners.
Bale ang magsisilbing hurado ang mismong The Clash singer na si Christian Bautista who also gets to promote the pilot episode of the hit reality singing search sa darating na Sept. 21.
Samantala, ang internet sensation at visually impaired na rapper mula sa Malabon na si Kokey shares a touching story about his grandmother in Sarap ‘Di Ba?’s Happy Nanay.
Si Lola Emy kasi ang nag-aruga’t nagtaguyod kay Kokey mula noong sanggol pa siya makaraang iwanan ng kanyang mga magulang.
May biritan, may family drama, may tsikahan. All this and more sa inyong paboritong kasalo bago magtanghalian only on GMA!