NAPAAMIN namin si Sam Milby tungkol sa kanyang lovelife – may napupusuan na raw siya pero nasa dating stage pa lang sila.
Aniya, “All I can say is that I’m interested and inspired by somebody. At this moment, why would you want to share something that isn’t there yet or I don’t know. Don’t get too far if that isn’t there yet.”
Nakausap namin si Sam kasama ang iba pang entertainment writers sa bagong project ng pag-aari niyang Bright Bulb Productions, ang Hueniverse Music Festival.
Walang ibinigay na clue ang aktor tungkol sa girl pero may tumutukso sa kanya na baka “semi-showbiz” ang dalaga at kung may kinalaman ang titulong Hueniverse Music Festival, natawa lang si Sam hanggang sa namula na ang pisngi.
Speechless ang binata sabay sabing, “I will share it in the right time.”
Inamin naman niya na ang ilan sa mga qualities na nagustuhan niya sa bago niyang inspirasyon ay, “Just very genuine with a big heart.”
Tinanong namin kung ka-date ba niya sa darating na 2019 ABS-CBN Ball ang kanyang mystery girl, “I’m going alone. I don’t know, she may or she may not be there.”
Ayaw ding magbigay ng clue ang aktor dahil ayaw niyang ma-jinx pero kung opisyal na silang dalawa ng mystery girl ay sasabihin daw niya kung sino.
Samantala, ang bagong project naman ng Bright Bulb Productions na pag-aari nila nina John Prats at Angelica Panganiban ay itongang Hueniverse Music Festival. Passion project daw ito ni John kung saan kabilang din sina Camille Prats at Isabel Oli-Prats bilang mga producers.
“This is John’s passion project, I’m more of an investor here when he started talking the idea last year, siyempre on board ako. I’ve only technically doing music festival and have an amazing experience in outside lands, San Francisco.
“And yes we’ve always been talking doing about a music festival when we started Bright Bulb before and ‘yun ang nasa plans namin after ‘Tagpuan’ the concert of Moira (dela Torre). Planning this everything and getting all the artists was Prat’s plan,” ani Sam.
Kasama sa Hueniverse Music Festival ang international artist na si John Borger o mas kilala bilang si Borgeous na kilalang American DJ at music producer.
Sa local artists naman ay kasama ang Spongecola, Autotelic, Allmost, The Ransom Collective, Agsunta, Bita and the Botflies, Mark Oblea, Claudia Barretto, Ron Poe, Jennifer Lee, Katsy Lee, Tom Taus, Written by the Stars, Chiquerella at isa pang surprise guest.
Natanong si Sam kung hindi kaya matulad ang music festival nila sa Fyre Music Festival noong 2017 na hinatulan ng six years imprisonment ang organizer dahil nanloko sila ng tao. Walang music festival na nangyari.
At bilang isa sa producer/investor ng Hueniverse ay anong paghahanda ang ginawa nina Sam, “Iba naman ‘yun, I haven’t seen the documentary but I know about the story, obviously everyone went there expecting an amazing music festival tapos wala!
“Of course, we plan of making this in a yearly thing so it’s very, very important that we get it right this year and have an amazing experience para sa lahat na pupunta that they will be excited to go the next year. All the artists already confirmed,” aniya pa.
Nabanggit din ng aktor-singer na may mga undercover marshalls at PDEA agents na maglilibot sa bawa’t sulok ng Filinvest City Events Grounds para hindi matulad sa nangyari sa Close-Up Forever Summer tragedy noong Mayo, 2016 na ginanap sa SM Mall of Asia grounds kung saan may mga namatay pa.
Ipinaliwanag ni Isabel, in charge sa Marketing, na may mahigit na 50 stalls sa loob ng Filinvest City Events Grounds na puwedeng bilhan ng mga pagkain, inumin at puwede ring mag-shopping dahil bawal magpasok ng inumin at pagkain.
Ang Hueniverse Music Festival ay gaganapin sa Set. 28.