MAAARING isang maganda at hindi rin kagandahang katangian ng Pinoy ang pagiging matiisin, gayong minsan ay wala naman iyon sa lugar.
Kahit saang bansa naroon ang Pinoy. At palagi na lang tayong nakakarinig ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso sa ating mga kababayan, pero titiisin nila anuman iyon, huwag lamang umuwi pabalik ng Pilipinas.
Kahit pa magpalimos na lamang sila, manghingi ng donasyon, makikikain, makikitulog sa mga kakilala o di pa nga kakilala, gagawin nila iyon upang manatili lamang sa bansang iyon.
Para sa iba, ginagawa nila iyon upang ilaban ang kanilang reklamo, at kahit papaano, makakamit nila ang hustisya sa pang-aabusong sinapit.
Pero marami rin sa kanila ang pipiliing huwag umuwi at umaasang makakabawi pa naman sila, hangga’t nananatili ‘anya sila sa abroad at may kaya pa namang magawa.
Ayaw nilang umuwi ng talunan at luhaan. Para sa kanila, ang pag-abroad
ay katumbas ng pagtatagumpay.
Kaya may tinatawag silang todo-pasa, bahala na, kahit ano na lang, basta may trabaho at may maipadadala sa pamilya, okay na yun!
Hanggang kailan nga ba magpapatuloy ang ganitong kaisipan ng Pinoy?
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com