Sue bilib na bilib sa bagong ka-loveteam: Nakaka-impress!

SUE RAMIREZ AT JAVI BENITEZ

Si Sue Ramirez ang choice ni Javi Benitez para maging leading lady niya sa “Kid Alpha One”, his launching movie.

“Hindi ko alam kung ano ang ie-expect ko kasi we’ve never met. Hindi ko pa siya nakatrabaho before.

I’ve never seen him to actually act,” say ni Sue during our press visit sa Tanay, Rizal.

At na-impress naman siya sa binata, “Pero it was a surprise to me na ang galing niya. Actually, sobra siyang dedicated sa ginagawa niya. Hindi siya nagrereklamo talaga. Never ko yang narinig na nagreklamo sa set kahit buong araw siyang mag-shoot.

“Minsan putok-araw na siya sa set, may kinakailangang eksena na action. Ginagawa niya without saying anything. Mahihiya na magreklamo kasi ganoon ang katrabaho mo so nakaka-inspire siya.”

Isang veterinarian si Sue sa movie na magkakaroon ng kaugnayan sa character ni Javi.

Read more...