Hashtag Ryle, Kira Balinger love pa rin ang isa’t isa, pero…

RYLE SANTIAGO AT KIRA BALINGER

Inimbita kaya ni Kira Balinger ang ex-boyfriend niyang si Ryle Santiago na manood sa nakaraang celebrity screening ng Pamilya Ko?

Isang oras bago matapos ang screening ay nasa labas kami nang pasimpleng pumasok sa sinehan si Ryle na nag-iisa. Nu’ng huli naming makatsikahan si Ryle sa mediacon ng Beautederm ay nabanggit nitong wala na silang komunikasyon ni Kira.

Pero nu’ng banggitin naming nakita namin siya sa pictorial ng pelikulang “G!” na kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 ay sina McCoy de Leon at Jameson Blake na mga kasamahan niya Hashtags daw ang dinalaw niya.

Okay fine! E, dito sa Pamilya Ko screening, sino kaya ang dinalaw ni Ryle? Hirit ng mga kasama naming bloggers, “E, halata namang love pa rin nila ang isa’t isa. Pinagbawalan lang ng ABS para mag-focus sa career nila.”

Read more...